Nakakapagtaka, inisip ni Celine. At dahil pinagpipilitan niya sa sarili niya na organised siya, inisa-isa niya ang mga pangyayari:
1. Lunes ng tanghali, bakit ako nasa bahay? Dapat nasa opisina ako, nagtratrabaho at nagti-twitter.
2. Wala naman akong second floor, at mag-isa lang ako sa bahay? Bakit may lalaki at bakit may almusal?
3. Hindi ko talaga maintindihan ang concept na ito, malabo dude.
Hindi kaya may nagsa-sabotahe ng subconscious niya? Nanaginip siya ng isang magulong panaginip na may kinalaman kay Marian Rivera at jejemons, dalawang bagay na hindi niya maatim (at maintindihan). Hindi kaya parang plot ito ng Inception? Maari bang ito'y dream within a dream? Schrodinger's cat is NOT dead! Parallel universe much?
Hindi siya nagdalawang isip. Dahan dahan niyang kinuha ang kutsilyo sa kitchen drawer. Kung totoo ngang panaginip 'to, kung sinaksak ko ang sarili niya, magigising siya. At hindi niya dapat tignan ang mukha nang lalaking nagluluto dahil baka gustuhin na lang niya manatili sa panaginip na ito.
Mabilis lang ito.
At sinaksak ni Celine ang sarili niya. Wala siyang naramdamang sakit, parang isang puwersa at matinding liwanag na tumulak sa kanya sa kung saang dimensyon.
Natagpuan niya ang sarili niya sa gitna ng isang marathon. Tumatakbo. Wala akong panahon para sa ganito, inisip niya. Madami akong trabaho! Paano na ang scheduling at forecasting! Kelangan kong magising! Now na!
Tinuon niya ang tingin sa damit ng lalaking pawisan na tumatakbo sa harapan niya.
Marvis.
Marvis? Ang weird naman. Ang matindi nun ay kumakanta pa ito habang tumatakbo.
I'm all out of love,
I'm so lost without you
I know you were right,
Believing for so long...
Kwentong Hindi Matapos-tapos...
Friday, July 23, 2010
may bagong gising...
..biglang nagisng si Celine.. gulong gulo sya sa kanyang panaginip hindi tugmatugma eh.. (*maski readers naguluhan sa 2 kwento) ..kaya nabulalas ni Celine ang "WEIRDO!" pero hindi dahil sa magulo nyang panaginip, kundi dahil sa magulo nyang buhok.. pero muli nyang naalala ang magulong panaginip nya, nagtataka sya bakit ni kahit isang beses eh di nya nakita ang sarili nya sa kanyang panaginip.. ang gulo talaga.. nasa tindahan nung una tapos napunta ng mall tapos may artista pa tapos may clfone 5110.. in short ang naunang 2 kwento ay panaginip lamang ng bagong character na si Celine.
Tumayo na cya sa kanyang higaan at napansin nya na wala ang kanyang asawa sa kanyang tabi.. bumaba na cya mula sa 2nd floor ng kanilang bahay.. pagbaba nya sinalubong cya ng isang lalake.. eto ang kanyang asawa.. nagluto ito ng masarap na almusal..
"Ano?! Why breakfast meal? It's suppose to be BRUNCH!" sigaw ni Celine.. Kasi naman mantika kung matulog ang babaeng ito kaya 12noon na magising.. May trabaho naman ang mag-asawang ito pero weekend kasi kaya late na gumising si Celine..
Dahil sa taranta ng asawa ni Celine, tumawag na lamang ito ng delivery.. habang nag-iintay sila ng pagdating ng pagkain, kinuha muna ni Celine ang kanyang Blackberry.. mag tu-tweet sana cia kaso na-alala nya ang kanyang iPad, kaya binato nya ang kanyang blackberry at kinuha ang iPad.. Nag-surf na cya habang inaantay ang pagkain..
Dun naman tayo sa asawa ni Celine.. Ano kayang bagay na pangalan dito? Ano kaya itsura nya?
Thursday, July 8, 2010
Ang Kahero

Habang pawisan dahil pinapatay ang aircon tuwing after lunch, nagsimula nang tipain ni Marvis ang keyboard ng kanyang Pentium 1 computer. Burado na ang mga letters ng keyboard at dahil napadaan si Dingdong Dantes kanina na nag-trip palit-palitan ang positions ng mga letra, labo-labong nagreply si Marvis sa post ng kanyang magandang kaklese nung college, "rsogwmcs bading aQo xxx p4fg."
"Duooohhh! MharRvHiz, waHtT yaHh Tolken OfF???" reply naman ng magandang friend niya.
Hindi kinakaya ni Marvis ang mga pangyayari. Alam niyang kailangan niyang masabihan si Mish na uso na ang mga jejebusters at pwedeng ikasama niya ito. Palapit pa naman ang audition ng Star Circle at gusto niyang magtayo ng official fans club para sa kaibigan.
Dinukot ni Marvis sa tatlong araw nang suot-suot na medyas ang ipinamanang 5110 cellphone ni Manny. Nagdial.
Krrrrinnnngggggg... Krrrrrriiiiinnnggggg...
Ayaw sumagot ng kaibigan. Tumayo si Marvis sa kinauupuan. Nakita siya ng boss niyang malaki ang bilbil sa leeg.
"Marvis, tapos ka na ba sa pinapa-compute ko?" Sa grocery store pala nagtatrabaho ang mokong.
Namutla si Marvis. Anong uunahin niya? Ang dating kaklaseng jejemon o ang kanilang suki na si Marian Rivera...
simulan na 'to..
Bumista sa Trinoma si mishi at beth.. Nagtext si mishi kay beth gamit ang kanyang cherrymobile: "wErs nhA u bhetzkEE?"
Sumagot si beth gamit ang kanyang iPhone: "duh?! who are you? jejemon! weirdo! freak!"
Napahiya si mishi at nagreply: "this is mishi, was just kidding.. I'm here na at the fountain.."
Beth: "Ok.. see yah girl!"
In short nagkita sila, maya maya may nakita si Mishi at sumigaw ng: "ryan! ryan!"
Nag-wifi agad si mishi at nagstats sa FB ng:"Kumakain kami ni Beth sa foodcourt ng Trinoma nang may bigla akong nakita. Nagsisisigaw ako, "Ryan, Ryan!" Hindi pa ako nakilala kung hindi ko pa tinuro si Beth. Haha... Si Ryan aka Chichiri talaga. Nakaka-miss mga classmates ko nung college. Paramdam naman kayo! :D"
Kasalukuyan namang nagpapalamig ng ulo si bobz dahil ang laki ng bilbil ng boss nya sa leeg ng masipat nya ang status ni mishi..
Subscribe to:
Posts (Atom)