
Habang pawisan dahil pinapatay ang aircon tuwing after lunch, nagsimula nang tipain ni Marvis ang keyboard ng kanyang Pentium 1 computer. Burado na ang mga letters ng keyboard at dahil napadaan si Dingdong Dantes kanina na nag-trip palit-palitan ang positions ng mga letra, labo-labong nagreply si Marvis sa post ng kanyang magandang kaklese nung college, "rsogwmcs bading aQo xxx p4fg."
"Duooohhh! MharRvHiz, waHtT yaHh Tolken OfF???" reply naman ng magandang friend niya.
Hindi kinakaya ni Marvis ang mga pangyayari. Alam niyang kailangan niyang masabihan si Mish na uso na ang mga jejebusters at pwedeng ikasama niya ito. Palapit pa naman ang audition ng Star Circle at gusto niyang magtayo ng official fans club para sa kaibigan.
Dinukot ni Marvis sa tatlong araw nang suot-suot na medyas ang ipinamanang 5110 cellphone ni Manny. Nagdial.
Krrrrinnnngggggg... Krrrrrriiiiinnnggggg...
Ayaw sumagot ng kaibigan. Tumayo si Marvis sa kinauupuan. Nakita siya ng boss niyang malaki ang bilbil sa leeg.
"Marvis, tapos ka na ba sa pinapa-compute ko?" Sa grocery store pala nagtatrabaho ang mokong.
Namutla si Marvis. Anong uunahin niya? Ang dating kaklaseng jejemon o ang kanilang suki na si Marian Rivera...
No comments:
Post a Comment