Friday, July 23, 2010

kamalayan

Nakakapagtaka, inisip ni Celine. At dahil pinagpipilitan niya sa sarili niya na organised siya, inisa-isa niya ang mga pangyayari:

1. Lunes ng tanghali, bakit ako nasa bahay? Dapat nasa opisina ako, nagtratrabaho at nagti-twitter.

2. Wala naman akong second floor, at mag-isa lang ako sa bahay? Bakit may lalaki at bakit may almusal?

3. Hindi ko talaga maintindihan ang concept na ito, malabo dude.

Hindi kaya may nagsa-sabotahe ng subconscious niya? Nanaginip siya ng isang magulong panaginip na may kinalaman kay Marian Rivera at jejemons, dalawang bagay na hindi niya maatim (at maintindihan). Hindi kaya parang plot ito ng Inception? Maari bang ito'y dream within a dream? Schrodinger's cat is NOT dead! Parallel universe much?

Hindi siya nagdalawang isip. Dahan dahan niyang kinuha ang kutsilyo sa kitchen drawer. Kung totoo ngang panaginip 'to, kung sinaksak ko ang sarili niya, magigising siya. At hindi niya dapat tignan ang mukha nang lalaking nagluluto dahil baka gustuhin na lang niya manatili sa panaginip na ito.

Mabilis lang ito.

At sinaksak ni Celine ang sarili niya. Wala siyang naramdamang sakit, parang isang puwersa at matinding liwanag na tumulak sa kanya sa kung saang dimensyon.

Natagpuan niya ang sarili niya sa gitna ng isang marathon. Tumatakbo. Wala akong panahon para sa ganito, inisip niya. Madami akong trabaho! Paano na ang scheduling at forecasting! Kelangan kong magising! Now na!

Tinuon niya ang tingin sa damit ng lalaking pawisan na tumatakbo sa harapan niya.

Marvis.

Marvis? Ang weird naman. Ang matindi nun ay kumakanta pa ito habang tumatakbo.

I'm all out of love,
I'm so lost without you
I know you were right,
Believing for so long...

No comments:

Post a Comment